Phoenix Petroleum may big time rollback sa oil products mula ngayong araw

By Rhommel Balasbas December 01, 2018 - 06:03 AM

Sa ikawalong sunod na linggo ay magpapatupad ng big time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis.

Buena manong magpapatupad ng bawas-presyo ang Phoenix Petroleum.

Sa abiso ng naturang kumpanya, mayroong tapyas na P2.00 sa kada litro ng kanilang gasolina at diesel.

Epektibo na agad ang rollback mamayang alas-12:00 ng tanghali.

Ayon sa Phoenix Petroleum, ito ay para maenjoy umano ng mga motorista ang kanilang long weekend.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng rollback ang iba pang kumpanya.

Ayon sa Department of Energy, ang rollback ay bunsod ng oversupply sa langis na may malaking epekto sa presyo sa pandaigdigang merkado.

Samantala, sumalong din sa unang araw ng Disyembre ang bigtime rollback ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng cooking gas o LPG.

TAGS: Big time oil price rollback, Department of Energy, Phoenix petroleum, Big time oil price rollback, Department of Energy, Phoenix petroleum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.