Nabubulok na bangkay natagpuan sa Isabela City, Basilan

Isang nabubulok na katawan ng tao ang natagpuan ng mga residente sa Sampinit Complex sa Isabela City, Basilan.

Ayon kay Isabela City Police Chief Supt. Gilzen Niño Manese, ipinaalam sa pulisya ng mga mangangahoy ang nakitang katawan ngunit hindi na ito makilala.

Dinala ang mga labi sa Villa Funeral Homes at sasailalim sa eksaminasyon ng Scene of Crime Operatives (SOCO).

Sinusubukan ng SOCO na alamin ang pagkakakilanlan ng biktima at ang sanhi ng pagkamatay nito.

Read more...