Kaso ng dengue at leptospirosis ngayong taon tumaas – DOH

By Len Montaño November 30, 2018 - 11:07 PM

Tumaas ng 30% ang mga kaso ng dengue habang 86% ang mga kaso ng leptospirosis ngayong taon kumpara noong 2017.

Ayon sa Department of Health (DOH), umabot na sa 171,294 ang mga nagkasakit ng dengue kumpara sa 131,736 na naitala noong nakaraang taon.

Karamihan sa mga dengue cases ay naitala sa Negros Occidental, Quezon City, Cebu at Bohol.
Ang pinakamaraming kaso ng dengue ay sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), Mimaropa, CARAGA, Regions 1 at 10.

Samantala, ang panahon ng tag-ulan ang sinasabing dahilan ng pagdami ng mga kaso ng leptospirosis.

Mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, tumaas ng 37% ang naitala sa CAR kung saan umabot na ang nagkasakit sa 4,855 mula 2,612 at 460 sa mga ito ay namatay.

Naitala ng DOH ang pagkamatay mula sa leptospirosis sa Calabarzon, CARAGA, NCR, Mimaropa at Region 9.

Dahil sa pagdami ng nagkasakit ay hinimok ng DOH ang publiko na maging alerto at agad magpakonsulta kapag may sintomas ng dengue at leptospirosis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.