Robredo, hinimok ang mga Pilipino na tularan ang pagiging makabayan ni Bonifacio

By Rod Lagusad November 30, 2018 - 09:31 PM

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na sundan ang naging yapak ni Andres Bonifacio sa pagiging makabayan.

Ito ang ika-155 birth anniversary ni Bonifacio na isa sa mga nanguna para ipaglaban ang kasarinlan ng Pilipinas.

Ayon kay Robredo, naipakita ni Bonifacio na kaya ng isang ordinaryong Pilipino na makagawa ng mga extraordinaryong mga bagay para sa bansa.

Dagdag pa ng pangalawang pangulo na naipinakita ni Bonifacio kung ano ang ibig sabihin na magpunyagi sa kabila ng mga paghihirap.

Kaugnay nito, ang magsakripisyo dahil ang mga Pilipino ay karapat-dapat na magtamo ng mas magandang buhay.

TAGS: Andres Bonifacio, leni robredo, Andres Bonifacio, leni robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.