DOH, nagpaalala sa publiko kasabay ng malamig na panahon
Nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) sa publiko na manatiling nasa maayos na pangagatawan para maiwasan ang mga posibleng makuhang sakit dahil sa malamig na panahon.
Ilan sa mga maaring makuha ay ang flu ayon kay DOH Sec. Francis Duque na sanhi ng influenza virus na naikakalat sa mga droplets na maaring maiwsan kung may malakas na immune system ang isang tao.
Ilan sa mga sintomas nito ay masakit na ulo, lagnat, sore throat, runny nose, ubo at posibleng muscle o joint pains.
Ayon sa kalihim, dapat kumain ng mga masustansiyang pagkain tulad ng gulay at prutas.
Bukod dito, importante din ang palagiang pag-eehersisyo at sapat na haba ng tulog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.