Away-negosyo, sinisilip sa pagpatay sa negosyante sa Subic

By Len Montaño November 30, 2018 - 07:11 PM

FB Photo: Jei Lumanog

Away negosyo ang tinitingnang anggulo ng pulisya sa pagpatay sa negosyanteng si Dominic Sytin sa Subic noong Miyerkules.

Ayon kay Chief Supt. Joel Coronel, hepe ng Police Regional Office 3, isang empleyado ni Sytin ang nagsabing nakatanggap ng banta ang kanyang boss ilang araw bago ang ambush.

Laman anya ng banta ay ang mensaheng hindi habambuhay ay nasa poder o mayroong pera ang negosyante. Sinabi pa umano ng nagbanta na 1 bala lang ang katapat ni Sytin.

Nakunan ng CCTV ang pagbaril kay Sytin sa isang driveway sa hotel sa Subic. Matapos mitumba ay lumapit pa ang killer at 2 beses na binaril sa ulo ang biktima.

Gumanti ng putok ang bodyguard ni Sytin na si Efren Fartiro pero binaril din ito ng suspect.

Ayon sa pulisya, malinaw na pinag-aralan ang pananambang dahil alam ng gunman ang lokasyon ni Sytin.

Pero naniniwala ang mga otoridad na kahit 1 lang ang bumaril ay may ilang tao ang nasa likod ng pamamaril.

Samantala, nag-alok ang pamilya Sytin ng pabuyang P1 milyon para sa ikakaaresto ng killer.

TAGS: Dominic Sytin, Radyo Inquirer, Subic, Dominic Sytin, Radyo Inquirer, Subic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.