Mahigit 400 preso ng Naga City jail inilipat ng bilangguan dahil delikado sa landslide ang kanilang kulungan
Mahigit 400 preso ang inilipat mula sa Naga City jail patungo sa Cebu City jail.
Ito ay matapos irekomenda ng Mines Geosciences Bureau na abandunahin ang bahagi ng Naga City jail na nakitaan ng cracks at maaring delikado sa landslide.
Ayon kay Sr. Insp. Roly Bandeling, ang paglilipat sa mga preso ay bahagi ng precautionary measures.
Dalawa hanggang tatlong buwan silang mananatili pansamantala sa bagong tayo na famale dormitory sa Cebu City jail.
Daan-daang tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology ang nagbantay sa kasagsagan ng paglilipat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.