STL operator sa Quezon, ‘front’ ng jueteng-NBI

November 12, 2015 - 05:00 AM

 

inquirer file photo

Patunay ang isang Small Town Lottery franchise holder na nakabase sa lalawigan ng Quezon na ginagamit na ‘front’ ng sugal na jueteng ang naturang laro upang makapandaya sa halagang dapat na tinatanggap ng gobyerno.

Ito ang lumitaw sa ulat ng National Bureau of Investigation sa mga reklamong aabot sa 50 bilyong piso ang nawawala sa Philippine Charity Sweepstakes Office dahil sa iligal na operasyon.

Sa record ng NBI, ang Pirouette Incorporated na isang STL franchisee na pag-aari ng isang Jose Gonzales ay ginagamit na ‘front’ upang maitago ang jueteng sa naturang lalawigan.

Ayon sa report, gumagamit ng dobleng ticket ang naturang operator sa pagkuha ng taya kaya’t lumakas ang kanilang hinala na hindi nairerecord ang lahat ng kinikita ng operasyon nito.

Bukod, dito, matapos gamitin, ibinabalik muli ang mga tiket sa mga ahente kaya’t walang paraan upang ma-audit ang kita ng operator.

Wala ring Point-of-Sale terminal o POST, at mga ‘papelitos’ lamang ang gamit ng mga ahente upang kumuha ng taya.

Lumabas din sa report na may ilang mga menor de edad pang kumukubra ng taya na ginagamit ang Pirouette Inc. na mariing ipinagbabawal sa ilalim ng batas.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.