Mahigit 100 preso nakatakas sa bilangguan sa Indonesia

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2018 - 05:26 PM

AP Photo

Mahigit 100 preso ang nakatakas sa bilangguan sa western Indonesia habang nasa kasagsagan ng pagdarasal.

Naganap ang jail break sa banda Aceh, kung saan ang mga bilanggo ay nasa labas para makibahagi sa evening prayers.

Karamihan sa mga nakatakas na preso ay nahatulan sa kasong ilegal na droga at maaring pinlano umano nila ang pagtakas.

Sinira ng mga preso ang wire at iron bars bamit ang barbells at crowbars sa reception room ng kulungan at saka dumaan sa bukirin.

Mayroon nang 26 na bilanggo ang muling naaresto habang nasa 87 pa ang pinaghahanap.

TAGS: Banda Aceh, Jailbreak, Banda Aceh, Jailbreak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.