Gas leak ang dahilan ng pagsabog sa Zhangjiakou City, China na ikinasawi ng 23 katao

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2018 - 04:33 PM

Gas leak ang dahilan ng pagsabog na naganap sa Northern City sa China na ikinasawi ng 23 katao.

Ang naturang pagsabog ay naganap sa Zhangjiakou City kung saan magaganap ang ilang aktibidad sa 2022 Winter Olympics.

Nasugatan din ang 22 katao dahil sa nasabing pagsabog.

Ayon sa alkalde ng naturang lungsod, lumitaw sa kanilang imbestigasyon na gas leak mula sa Hebei Shenghua Chemical Co. ang dahilan ng malakas na pagsabog.

May kumalat umanong vynyl chloride sa labas ng pabrika.

Una rito iniulat ng mga otoridad na isang truck na may lulang combustible chemicals ang sumabog habang papasok ng pabrika dahilan para masunog din ang mga sasakyan sa lugar.

Umabot sa 38 truck at 12 kotse ang napinsala sa pagsabog.

Ang mga ganitong uri ng industrial accidents ay madalas maganap sa China.

TAGS: China, gas leak, China, gas leak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.