Ayon sa labor advisory No. 16, Series of 2018 na inisyu ng DOLE, 200 percent ng kanilang arawang sahod ang matatanggap ng manggagawa para sa unang walong oras ng trabaho.
Kung nag-overtime naman ang manggagawa, makakatanggap siya ng dagdag na 30-percent ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw.
Kung nagkataon namang rest day ng manggagawa pero siya ay nagtrabaho, tatanggap siya ng karagdagang 30 percent ng 200 percent ng kanyang daily rate, at kung nag-overtime naman ay makakatanggap siya ng dagdag 30-percent ng kanyang hourly rate.
Para naman sa mga manggagawa na hindi pumasok sa trabaho, babayaran pa rin sila ng 100-percent ng kanilang sahod para sa araw na ito.
Pinayuhan ng DOLE ang mga manggagawa na isumbong ang mga employer na mabibigong magpasweldo ng tama.