DOLE nagpaalala sa employers hinggil sa tamang pagpapasweldo sa mga nagtrabaho ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2018 - 03:56 PM

Nagpa-alala ang Department of Labor and Employment (DOLE) hinggil sa tamang pagpapa-sweldo sa mga manggagawa na pumasok ngayong araw, Nov. 30 Regular Holiday.

Ayon sa labor advisory No. 16, Series of 2018 na inisyu ng DOLE, 200 percent ng kanilang arawang sahod ang matatanggap ng manggagawa para sa unang walong oras ng trabaho.

Kung nag-overtime naman ang manggagawa, makakatanggap siya ng dagdag na 30-percent ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw.

Kung nagkataon namang rest day ng manggagawa pero siya ay nagtrabaho, tatanggap siya ng karagdagang 30 percent ng 200 percent ng kanyang daily rate, at kung nag-overtime naman ay makakatanggap siya ng dagdag 30-percent ng kanyang hourly rate.

Para naman sa mga manggagawa na hindi pumasok sa trabaho, babayaran pa rin sila ng 100-percent ng kanilang sahod para sa araw na ito.

Pinayuhan ng DOLE ang mga manggagawa na isumbong ang mga employer na mabibigong magpasweldo ng tama.

TAGS: Bonifacio Day, DOLE, Radyo Inquirer, regular holiday, Bonifacio Day, DOLE, Radyo Inquirer, regular holiday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.