SBP hinikayat ang mga manonood ng laban ng Gilas sa Kazakhstan na magsuot ng puti

SBP Photo

Hinikayat ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang mga manonood ng laban ng Gilas sa Kazakhstan mamaya na magsuot ng puti.

Alas 7:30 ng gabi magaganap ang laban sa Mall of Asia Arena.

Ang laban ay para sa FIBA Basketball World Cup 2019 Asian Qualifiers.

Ang susunod na laban ng Gilas Pilipinas ay sa December 3 araw ng Lunes kung saan ang koponan naman ng Iran ang kanilang makakatunggali.

Read more...