Pasig City police nakiisa sa Bonifacio Day celebration

Pasig City Police Photo

Ipinagdiwang ng Pasig City Police ang ika-155 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio.

Sa pangunguna ni Pasig City police chief Sr. Supt. Rizalito Gapas, nag-alay ng bulaklak sa monumento ni Bonifacio sa Plaza Bonifacio sa Barangay San Jose, Pasig City.

Dumalo sa aktibidad ang mga tauhan ng Pasig City police kabilang ang mga PCP commanders.

Ayon kay Gapas kinikilala ng Pasig City police ang kabayanihan at sakripisyong nagawa ni Bonifacio sa ating bansa.

Read more...