4 na sasakyan nagkarambola sa EDSA matapos mahulog ang spare tire mula sa isang van

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2018 - 12:11 PM

Apat na sasakyan ang nagkarambola sa kahabaan ng EDSA southbound kanto ng Main Avenue.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) naganap ang aksidente alas 11:15 ng umaga.

Isang kulay puti na Hi-Ace Van na may conduction number na YV- 8486 ang nahulugan ng spare tire.

Dahil sa mabilis ang takbo ng mga sasakyan dahil holiday at walang traffic, hindi na nagawang makapreno pa ng mga nakabuntot dito at nagresulta na sa aksidente.

Kabilang sa nadamay sa karambola ang isang kulay asul na Toyota Vios na may plakang ZJE 493, isang taxi na may plate number na TXR 662 at kulay pulang Innova na may plate number na NOG 237.

Ang Innova ang nagtamo ng pinakamatinding pinsala dahil sa aksidente dahil ito ang nasa likod ng Hi-Ace at pumailalim sa dito ang nahulog na spare tire.

TAGS: accident, edsa, raydo inquirer, accident, edsa, raydo inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.