Estudyante nahulihan ng shabu sa Marikina

Isang estudyante ang nahulihan ng P180,000 na halaga ng ilegal na droga sa Marikina City.

Ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina City Police ang operasyon laban sa 21-anyos na estudyante na kinilalang si Asmin Pangandag.

Umabot sa 11 sachet ng hinihinalang shabu ang nasabat sa suspek matapos mag-positibo ang ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad.

Nakuha din sa suspek ang P1,000 marked money, at kaniyang coin purse.

Read more...