Pangulong Duterte hindi dadalo sa selebrasyon sa 155th Birth Anniversary ni Andres Bonifacio
Hindi dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aktibidad para sa ika-155 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo kailangang bumiyahe ni Pangulong Duterte patungong Mindanao para asikasuhin ang problema sa “insurgency” sa rehiyon.
Bilang kinatawan, si Executive Sec. Salvador Medialdea na lamang ang dadalo sa wreath-laying ceremony sa Bonifacio Monument sa Caloocan City.
Sa orihinal na schedule, dapat ay dadaluhan ng pangulo ang aktibidad na gaganapin ngayong hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.