Pagsisimula ng aplikasyon sa gun ban pinaghahandaan na ng Comelec at PNP
Nagpulong ang ilang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) kabilang ang Law Department ng ahensiya at Philippine National Police (PNP).
Sa harap ito ng pagsisimula bukas, December 1 ng panahon ng aplikasyon para sa election gun ban.
Ito ay para mabigyan ng exemption ang sinumang nagnanais makapagdala ng armas sa panahon ng gun ban na una nang itinakda ng Comelec sa January 13 hanggang June 12, 2019.
Dadaan pa naman sa mahigpit na pag-aaral ng Comelec sa pangunguna ni Commissioner Al Parreno ang mga aplikasyon kung aaprubahan o hindi.
Kabilang sa mga dumating sa Comelec para sa pulong si Chief Supt. Rey Lyndon Lawas, deputy ng Directorate for Operations ng PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.