Hatol sa mga pulis na nakapatay kay Kian Delos Santos, 1 lang sa mahigit 1,000 kaso ng pagpatay sangkot ang mga pulis – Callamard

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2018 - 09:28 AM

Naglahad ng reaksyon si United Nations special rapporteur on summary executions Agnes Callamard sa ibinabang hatol ng mababang korte sa tatlong mga pulis na sangkot papagpatay kay Kian Delos Santos.

Sinabi ni Callamard na isa lamang ang kaso ng tatlong pulis mula sa nasa mahigit 1,000 kaso ng mga pulis na sangkot sa pagpatay sa kasagsagan ng pagpapatupad ng war on drugs ng pamahalaan.

Si Callamard ay kilalang kritiko ng war on drugs ng Duterte Administration.

Dagdag pa ni Callamard, responsibilidad ng estado na tiyakin na ang mga pulis na nasasangkot sa pagpatay ay maiimbestigahan at mapapanagot.

TAGS: agnes callamard, Radyo Inquirer, agnes callamard, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.