Volcanic earthquakes naitala sa Mayon Volcano sa nakalipas na magdamag

FILE PHOTO

Dalawang volcanic earthquakes ang naitalsa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 na oras.

Ayon sa Phivolcs, nagkaroon din ng moderate emission ng ash plumes sa bulkan.

Noong November 26, araw ng Lunes nakapagtala ang Phivolcs ng dalawang beses na pagputok sa naturang bulkan.

Naganap ang phreatic explosions sa pagitan ng alas 7:59 at alas 8:05 ng umaga.

Nananatiling nasa alert level 2 ang bulkang Mayon.

Read more...