Road reblocking at repair works ng DPWH sa ilang kalsada sa Metro Manila isasagawa ngayong weekend

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2018 - 08:28 AM

Itutuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reclocking at road repair nito sa ilang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.

Magsisimula ang reblocking at repair works alas 11:00 ng gabi mamaya (Nov. 30) at tatagal hanggang alas 5:00 ng umaga sa Lunes, Dec. 3.

Apektado ang mga sumusunod na kalsada:

QUEZON CITY:
– EDSA, paglagpas ng Oliveros St., 2nd lane mula sa sidewalk northbound
– EDSA mula Scout Albano hanggang lagpas ng Scout Borromeo malapit sa sidewalk, southbound
– Batasan Road malapit sa CSC Central Office, 4th lane mula sa center island, northbound
– Agham Road sa harap ng OSHC, 2nd lane mula sa center island at ang kabilang linya sa PSHS, 2nd lane southbound

PASIG CITY:
– C-5 Road tabi ng SM Aura, 2nd lane mula sa gitna, southbound
– C-5 Road bago sumalit ng Pasig Blvd., C-5 flyover southbound

Pinayuhan na ng DPWH ang publiko na iwasan ang nasabing mga lansangan para hindi maabala sa traffic.

 

TAGS: edsa, Metro Manila, Reblocking, road repair, edsa, Metro Manila, Reblocking, road repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.