17 Saudi nationals pinatawan ng sanctions ng Canada kaugnay sa pagkamatay ng journalist na si Jamal Khashoggi
Pinatawan ng sanctions ng Canada ang 17 Saudi nationals na sangkot sa kasong pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi.
Kabilang sa sanctions ang pag-freeze sa kanilang mga assets at pagbabawal na sa kanilang makabiyahe sa Canada.
Kaugnay nito nanawagan ang Canada ng transparent na imbestigasyon sa pagkamatay ni Khashoggi sa Istanbul.
Sinabi din ng Foreign Ministry Office ng Canada na ang mga pahayag ng Saudi Arabia ay hindi consistent at walang kredibilidad.
Malinaw umanong pag-atake sa freedom of expression ang sinapit ng naturang journalist na kilalang kritikal sa pamahalaan ng Saudi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.