Rollback sa presyo ng LPG epektibo na bukas, Dec. 1

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2018 - 06:52 AM

Sasalubungin ng magandang balita ang unang araw ng buwan ng Disyembre.

Ito ay makaraang mag-anunsyo ng rollback sa presyo ng coocking gas o LPG ang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng kumpanyang Eastern EC Gas, magpapatupad ito ng P5 rollback sa kada kilo ng kanilang LPG.

Katumbas ito ng P55 na rollback sa bawat 11-kilogram LPG cylinder.

Epektibo ang rollback ng EC Gas alas 6:00 ng umaga bukas, Dec. 1.

Inaasahan namang sunod na ring mag-aanunsyo ng rollback ang iba pang mga kumpanya ng langis.

 

TAGS: LPG Price, rollback, LPG Price, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.