Mga aktibidad sa paggunita ng ika-155 anibersaryo ng kapanganakan ni Andres Bonifacio isasagawa ngayong araw
Maraming aktibidad ang inilatag ngayong araw as paggunita ng ika-155 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.
Ayon sa National Historical Commission of the Philippines, ang tema ng pagdiriwang ay “Bonifaio 2018: Tapang, Sakripisyo, Pagbabago”.
Sentro ng selebrasyon ang Bonifacio National Monument sa CAloocan City.
Mayroon ding magaganap na mga aktibidad sa iba pang lugar kung saan mayroong monumento si Gat Andres Bonifacio.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Museo ng Paglilitis ni Andres Bonifacio sa Maragondon, Cavite
– Bonifacio Shrine sa Manila City Hall
– Bonifacio Monumento sa Balintawak, Quezon City
– Bonifacio Monumento sa Bonifacio Global City Taguig
– Bonifacio Birth Site sa Tutuban Center Maynila
– Pinaglabanan Memorial Shrine sa San Juan
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.