Nagbitiw na bilang miyembro ng Gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino si Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Joey Salgado, pinuno ng Media Affairs ni VP Binay, inihain ng Pangalawang Pangulo ang kanyang ‘irrevocable resignation’ kanina bago mag alas- kuwatro ng hapon sa tanggapan ni Executive Secretary Paquito Ochoa.
Si Makati Representative Abigail Binay mismo ang nagdala ng resignation letter ng kanyang ama na naka-address kay Pangulong Aquino.
Si Vice President Binay ang pinuno ng Housing and Urban Development and Coordinating Council (HUDCC) at Presidential Adviser on OFW Affairs ng Aquino Administration. – Jay Dones/Chona Yu
MOST READ
LATEST STORIES