Monumento Circle sa Caloocan sarado sa mga motorista

By Dona Dominguez-Cargullo November 30, 2018 - 06:27 AM

MMDA Photo

Sarado na sa mga motorista ang bahagi ng Bonifacio Monumento Circle sa Caloocan City.

Ito ay para sa mga isasasagawang aktibidad ngayong araw para sa selebrasyon ng Bonifactio Day.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mula alas 12:01 ng madaling araw kanina ay sarado na ang mga sumusunod na kalsada patungo sa Monumento:

– Mac-Arthur Highway mula Pinatipunan Circle sa Potrero, Malabon
– EDSA northbound lane sa General Simon Street
– Rizal Avenue Extension northbound sa 7th Avenue
– General San Miguel sa A. Mabini Street
– G. Araneta Avenue (south side) corner Caimito Road
– University Avenue (south side) corner Caimito Road
– Samson Road (east side) corner G. Araneta Avenue
– Caimito Road (east side) corner G. Araneta Avenue

Samantala, magpapatupad naman ng temporary one-way traffic sheme sa:

– New Abbey Road mula Samson Road hanggang 10th Avenue
– Caimito Road mula G. Araneta Avenue hanggang Samson Road

Payo ng MMDA sa mga motorista iwasan na lamang muna ang mga nabanggit na kalsada at gumamit ng alternatibong ruta para hindi maabala.

TAGS: Bonifacio Day, caloocan, Radyo Inquirer, Bonifacio Day, caloocan, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.