Wala pa ring nakikitang sama ng panahon na makakaapekto sa bansa sa kasalukuyan.
Sa 4AM weather update ng PAGASA, apektado na ng Amihan ang buong Luzon.
Dahil sa Amihan, makararanas ng maulap na kalangitan may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Quezon at Camarines.
Sa Batanes at Babuyan Group of Islands, direktang makakaapekto ang Amihan na magkakaroon ng mahinang pag-ulan.
Sa nalalabing bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila, bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan na may posibilidad ng mga mahihinang pag-ulan dahil pa rin sa Amihan.
Ang buong Visayas at Mindanao naman ay maalinsangan ang panahon na magkakaroon lamang ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.
Samantala, mapanganib ang paglalayag sa mga baybaying dagat ng Batanes, Calayan, Babuyan, Ilocos Region at Northern coast of Cagayan.
Posibleng umabot sa 4.5 meters ang alon sa nasabing mga baybayin dahil sa epekto ng Amihan.