Commitment order vs. 3 pulis na suspek sa Kian murder hindi nailabas ng korte
Bigo ang Caloocan Regional Trial Court 125 na makapag-isyu kahapon (November 29) ng commitment order laban sa tatlong pulis na nahatulang guilty sa pagkamatay ni Kian delos Santos.
Ang commitment order ng korte ang magdedetermina kung saang kulungang mananatili ang mga suspek, matapos masentensyahan ng habambuhay na pagkakakulong.
Ngayong araw, (November 30), hindi rin makakapaglabas ng commitment order ang Caloocan RTC dahil holiday o Bonifacio Day.
Dahil dito, mananatili muna si PO3 Arnel Oares sa Camp Bagong Diwa habang sa Valenzuela City Jail sina PO1 Jerwin Cruz at PO1 Jeremias Pereda.
Pero inaasahan na sa New Bilibid Prison o NBP sa Muntinlupa City maikukulong ang tatlong pulis-Caloocan.
Samantala, nagpapasalamat si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa naging hatol sa mga suspek.
Aniya, isang mabuting tanda ito na umuubra pa ang sistema ng hustisya sa bansa.
Dagdag ni Bishop David na magpapalakas ito ng loob ng pamilya ng mga nasawi dahil “di umano’y nanlaban.”
Pero umaasa si Bishop David na magkalakas-loob na rin ang mga testigo at mailabas ang mga ebidensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.