Pamamahagi ng Pantawid Pasada fuel cards, pinalawig hanggang December 15

By Rhommel Balasbas November 30, 2018 - 03:54 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Mayroon pa ring pagkakataon ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong jeep na makuha ang kanilang Pantawid Pasada fuel subsidy cards.

Ito ay matapos palawigin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng fuel cards hanggang sa December 15.

Sinabi ng LTFRB na layon nitong bigyan ng sapat na panahon ang mga operators at kanilang mga kinatawan na magsumite ng mga papeles na kailangan para sa cards.

Kahapon, November 29 dapat ang deadline para makuha ang fuel cards na ito na nagkakahalaga ng P5,000.

Ayon sa LTFRB, kailangang i-check ng beneficiaries kung lehitimo ang kanilang mga prangkisa at sakaling makumpirma, pwede nang magpasa ng mga dokumento para i-claim ang pasada cards.

Tumatanggap na rin ang ahensya ng Special Power of Attorney (SPAs) kasama ang mga dokumento para sa mga benepisyaryong hindi kayang kuhain ng personal ang subsidiya.

Nanawagan ang LTFRB na kunin na ang fuel cards para makuha ang fuel subsidy para sa taong ito.

Sa 180,000 operators na mayroong lehitimong prangkisa, 66,000 fuel cards pa lang ang naipamamahagi ng LTFRB mula Setyembre.

Ang pasada cards ay ayuda ng gobyerno para sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.