Beyonce kabilang sa mga magtatanghal sa concert para kay Nelson Mandela

Isa lamang ang Queen B na si Beyonce sa maraming mga kilalang personalidad na magtatanghal para sa isang concert na aalala kay Nelson Mandela.

Isasagawa sa Johannesburg, South Africa ng Motsepe Foundation ang concert na tinawag na “Global Citizen Festival: Mandela 100” na layong kilalanin at alalahanin ang buhay at legacy ni Mandela, 100 matapos itong ipanganak.

Makakasama ni Beyonce sa concert ang asawa na si Jay-Z, maging ang British singer-song writer na si Ed Sheeran.

Bukod sa concert, mayroon pang ibang mga activities para okasyon, at isa na rito ang keynote address na ibibigay ni Oprah Winfrey kung saan tatalakayin niya ang legacy ni Mendala.

Magaganap ang concert sa FNB Stadium sa December 2, 2018.

Read more...