‘Hindi namin itinatago ang mga mahihirap’-DSWD

 

Inquirer file photo

Mariing itinanggi ng Department of Social Welfare and Development na kanilang ‘itinago’ ang mga mahihirap at mga palaboy sa Metro Manila na nakatira malapit sa lugar kung saan gaganapin ang APEC summit sa bansa.

Ito’y sa gitna ng mga ulat na binigyan ng DSWD ng tig-apat na libong piso ang mga palaboy na pamilya sa kahabaan ng Roxas Boulverd at mga kalapit na lugar upang makapagrenta ng bahay sa panahon ng naturang pagpupulong.

Paliwanag ni DSWD Secretary Dinky Soliman, ang mga pamilyang nabigyan ng apat na libong piso sa National Capital Region ay kasama sa listahan ng mga benepisyaryo ng modified conditional transfer program ng gobyerno.

Ang naturang proyekto aniya ay dalawang taon nang ginagawa ng pamahalaan sa ilalim ng MCCT kung saan inaabonohan muna ng kagawaran ang upa hangga’t hindi pa nakakakuha ng maayos na trabaho ang mga miyembro ng pamilyang nasa tamang edad na.

Ang nasabing halaga aniya ay direktang ibinibigay sa mga nagpaparenta ng bahay at hindi sa mga pamilya mismo.

Sa mahigit apat na libong pamilya aniya na nakarehistro sa MCCT program, nasa tatlong libo na rito ang nakatira na sa mga pinauupahang bahay.

Read more...