Magandang balita!
Sa ikawalong sunod na linggo ay may nakaamba na namang isang big time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Batay sa unang tatlong araw ng trading sa world market, bumaba na ng P2.00 ang presyo ng kada litro ng gasolina.
May tapyas namang P1.93 ang presyo ng kada litro ng diesel.
Habang ang presyo ng kerosene o gaas ay nabawasan na ng P1.62 sa kada litro.
Hindi pa naman ito pinal at magbabago pa batay sa resulyta ng trading hanggang ngayong araw na ito.
Ang pagbaba sa presyo ng langis sa bansa ay bunsod ng pagbaba sa presyo nito sa pandaigdigang merkado.
MOST READ
LATEST STORIES