Hinihinalang measles outbreak sa Sarangani binabantayan ng DOH

By Justinne Punsalang November 30, 2018 - 02:27 AM

Nakabantay ngayon ang Department of Health (DOH) sa mga kaso ng measles o tigdas sa Sarangani province.

Ito ay natapos mapaulat na 84 na katao ang tinamaan ng naturang sakit, at 18 na ang namatay.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na karamihan sa mga mayroong tigdas ay mga babae mula sa edad na apat na buwan hanggang 40 taong gulang.

Ayon pa sa DOH, lahat ng hinihinalang mayroong tigdas ay hindi pa nagkaroon ng naturang sakit noon.

Nakakolekta na anila ng 12 specimen mula sa mga ito at ipinadala na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa confirmatory test.

Kabilang sa mga sinasabing naapektuhan ng sakit ang B’laan Tribe, at maraming mga sitio sa Barangay Upper Suyan sa bayan ng Malapatan.

Dahil dito ay nagsagawa na ng mass measles vaccination at treatment ang DOH at lokal na health offices ng Sarangani at Malapatan sa mga apektadong residente.

TAGS: Health, Health

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.