EDCA, WPS dispute, mga pangunahing isyu sa sidelines ng APEC
Hindi man magiging bahagi ng APEC meetings ang mga isyu ukol sa West Philippines Sea dispute at Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA, magiging bahagi naman ito ng bilateral talks sa pagitan nina Pangulong Benigno Aquino III at US President Barack Obama.
Ayon kay US Ambassador to the Philippines Phillip Goldberg, pangunahing layunin ni President Obama sa Pilipinas ay ang makilahok sa mga isyu na tatalakayin sa APEC.
Sa APEC, magiging pangunahing isyu aniya ang economic agenda.
Ngunit sa mga bilateral talks nina Aquino at Obama, dito pag-uusapan ang iba pang mga isyu na magpapalakas ng ugnayan ng Amerika At Pilipinas.
At ilan sa mga pangunahing isyu na inaasahang pag-uusapan dito ay ang territorial dispute ng Pilipinas sa China at ang nabinbing EDCA.
Una rito, sinabi na ng Pilipinas na hindi magiigng bahagi ng agenda sa APEC summit ang isyu ng agawang ng teritoryo sa South China Sea o West Philippines Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.