7 pulis na isinangkot sa kidnapping sumuko sa NCRPO
Boluntaryong sumuko sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Taguig City ang pitong pulis mula sa Las Piñas City na inirereklamo ng kidnapping at robbery extortion.
Unang sumuko sa Regional Intelligence Office ng NCRPO si PO1 Erickson Rivera bago sinundan ng pagsuko kagabi nina PO3 Joel Lupig; PO2 Vener Guanlao; PO1 Jefferson Fulgencio, PO1 Jeffrey De Leon, PO2 Jason Arellano at PO1 Reymant Gomez na pawang nakatalaga sa Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Station 3 ng Las Pinas City Police
Sumuko ang mga pulis kasama ang kanilang mga kamag-anak at abogado.
Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, binawi na ang armas ng mga ito habang isinasailalim sa imbestigasyon.
Ang mga nasabing pulis ay una nang kinasuhan ng kidnapping with serious illegal detention, robbery extortion at grave misconduct base sa reklamo ng hinuli nitong diumano’y drug suspect.
Nabatid na hiningan ng mga nasabing pulis ang nahuli nitong drug pusher ng P200,000 libong piso kapalit ng pagpapalaya dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.