Nilinaw ng Malacañang na tanging pag-aresto, pag- prosecute at hindi agarang pagpatay ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chief Inspector Jovie Espenido sa pamilya ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.
Taliwas ito sa utos kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Espenido na ubusin at burahin sa mundo ang pamilya Parojinog.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, lumala na naman kaso ang sitwasyon ng ilegal na droga sa Ozamiz City kung kaya nagpasya ang pangulo na ibalik sa lugar si Espenido.
Pero ayon kay Panelo, sakaling manlaban ang pamilya Parojinog, walang magagawa ang mga otoridad kundi ang ipagtanggol ang sarili.
Sa pagharap ng pangulo sa mga residente sa lungsod ay kanilang sinabi na gusto nilang ibalik sa Ozamis City bilang hepe ng pulisya ng ang nasabing opisyal.