Mga pulis sa Kian Delos Santos killing aapela sa Mataas na Hukuman

By Alvin Barcelona November 29, 2018 - 04:16 PM

Inquirer file photo

Aapela sa korte ang dalawa sa mga Pulis-Caloocan City na hinatulan ng Caloocan Regional Trial Court ng parusang reclusion perpetua na pagka-bilanggo dahil sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian Delos Santos.

Ayon kay Atty. Oliver Yuan, abogado nina PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz, hindi sila payag sa appreciation ng trial judge sa nailabas nilang mga ebidensya.

Sinabi ng abogado na maraming magkakakontrang pahayag ang mga saksi ng prosekusyon na hindi man lang binanggit sa desisyon.

Naniniwala din ito na malakas ang kanilang legal position na hindi napatunayan ang guilt ng kanyang mga kliyente beyond reasonable doubt.

Inako din aniya ni PO3 Arnel Oares na siya ang humabol at bumaril kay Kian pero hindi ito ikinunsidera ng hukom.

Nauna dito ay sinabi ng Malacañang na hindi makikialam ang pamahalaan sa kaso ng nasabing mga pulis.

TAGS: abogado nina PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz, Atty. Yuan, caloocan city, kian delos santos, abogado nina PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz, Atty. Yuan, caloocan city, kian delos santos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.