Pagbuo ng DDS kontra NPA plano pa lang ayon sa Malacañang
Nilinaw ng Malacañang na ideya pa lamang at hindi pa pinal ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbuo ng Duterte Death Squad na ipangtatapat sa Sparrow Unit ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sakaling maging reyalidad na ang plano, ang Philippine Army ang bubuo sa Death Squad at maaring kumuha ng mga sumukong miyembro mismong rebeldeng grupo.
Sinabi pa ni Panelo na ang pahayag ng pangulo ay pagpapadala ng mensahe sa mga kalaban na nakahanda ang estado na protektahan ang mamayan.
Tiniyak din ng palasyo na hindi pagbalewala sa due process ang planong pagbuo ng DDS kundi nais lamang pangalagaan ang seguridad ng bawat Filipino.
Nilinaw rin na Panelo na maliwanag ang nais ng pangulo na ang tatargetin lamang ng DDS ay ang mga NPA members na walang ginawa kundi ang mag-assasinate at pumatay ng mga taong walang kalaban-laban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.