3 pulis na guilty sa pagpatay kay Kian Delos Santos hindi bibigyan ng pardon ni Pang. Duterte

By Chona Yu November 29, 2018 - 12:56 PM

Tiniyak ng Malakanyang na malayong mapagkalooban ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong pulis na nahatulang guilty sa pagpatay kay Kian Delos Santos sa Caloocan City.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw ang polisiya ng pangulo na hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng pang aabuso ng mga pulis o paggamit ng sobrang dahas habang ginagawa ang kampanya kontra sa illegal na droga.

Ibinida rin ng Palasyo na ang kaso ng tatlong pulis ay patunay na buhay at aktibong gumagana ang judicial system sa bansa taliwas sa inaakala ng International Criminal Court na nagsasagawa ng imbestigasyon ukol sa anti-drug war campaign ng administrasyon.

Iginiit pa ni Panelo na sa loob lamang ng anim na buwan, nabigyan ng hustisya ang pamilya ni Delos Santos.

Una rito, bumisita sa Malakanyang ang mga magulang ni Delos Santos para makipagpulong kay Pang. Duterte.

TAGS: kian delos santos, Radyo Inquirer, kian delos santos, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.