Hatol ng korte laban sa 3 pulis sa pagpatay kay Kian Delos Santos, inirerespeto ng PNP

By Isa Umali November 29, 2018 - 12:46 PM

Inirerespeto ng Philippine National Police o PNP ang hatol ng Caloocan Regional Trial Court branch 125 laban sa tatlong pulis na responsible sa pagkamatay ni Kian delos Santos.

Kabilang sa mga nasentensyahan ay sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz, na pawang guilty sa pagpatay sa 17-anyos na si Kian sa isang anti-drug operation noong August 16, 2017.

Sa statement ni PNP Chief Oscar Albayalde na binasa ni PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana sa isang press conference, ang guilty verdict ng korte sa tatlong pulis ay malinaw umanong indikasyon na umiiral ang justice system sa bansa.

Handa rin aniya ang PNP na tulungan ang lahat na maisilbi ang hustisya kaninuman.

Sinabi ni Durana na ang desisyon ng korte ay magsisilbing paalala sa lahat ng mga pulis na maging “extra diligent” sa pagtupad ng kanilang trabaho at pagsunod sa batas habang pinoprotektahan ang mga mamamayan.

Sa ngayon aniya ay bukas naman ang legal remedies, hindi lamang para sa tatlong pulis kundi sa mga kaanak ni Kian.

Aminado naman si Durana na ang hatol ng korte ay maaaring isang setback, pero hindi raw nito mapipigil ang kampanya ng pambansang pulisya laban sa ilegal na droga.

TAGS: kian delos santos, Philippine National Police, Radyo Inquirer, kian delos santos, Philippine National Police, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.