alik-Ozamiz City na si Chief Insp. Jovie Espenido.
Ito ay matapos ipag-utos ng pamunuan ng Philppine National Police (PNP) na ibalik siya sa naturang lungsod mula sa kaniyang appointment sa Catanduanes Police.
Ayon kay Espenido, maliban sa mga Parojinog, mayroon pang iba pang personalidad sa Ozamiz City na kailangang tugisin dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs trade.
Pawang grupo-grupo aniya ang mga ito na naiwang nag-ooperate pa sa Ozamiz.
Ayon kay Espenido, ayaw niyang maulit ang nangyari noon sa Albuera, Leyte kung saan pinatay ang mga posibleng testigo matapos na umpisahan nila ang mga pag-aresto sa mga drug suspect doon.
Ang utos ng PNP na ibalik si Espenido sa Ozamiz ay matapos na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang magsabing dapat ibalik doon ang police official.
Ayon sa pangulo tuloy kasi ang pagsisiga-sigaan sa Ozamiz City ng pamilya Parojinog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.