Dating Cong. Satur Ocampo at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro hawak ng mga pulis sa Davao
Hawak ngayon ng pulisya sa Davao Del Norte si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro at dating Bayanmuna Partylist Rep. Satur Ocampo.
Ayon sa MAKABAYAN Bloc sa Kamara, alas 6:00 ng gabi ng Miyerkules, Nov. 28 nang isarado ng paramilitary group Alamara ang Dulyan Campus ng Salugpongan Ta’Tanu Igkanogon Community Learning Center Inc. sa bayan ng Talaingod sa Davao Del Norte.
Nagtungo sa lugar sina Castro at Ocampo kasama ang mga kinatawan ng National Solidarity Mission para mamahagi ng school supplies at pagkain dahil may nangyayaring food blockade sa naturang komunidad.
Nakita umano ng grupo nina Ocampo na sinusundan sila ng mga tauhan ng Alamara paramilitary group kaya dumeretso muna sila sa Talaingod police station.
Nang makarating sila sa istasyon ng pulisya ay hindi na sila pinaalis ng mga ito.
Ayon kay Castro, sinabihan sila naman sila na wala silang kaso pero hindi pa sila pinapaalis ng presinto.
Kasama sa grupo nina Ocampo at Castro ang aabot sa 74 na mga inibidwal, kasama dito ang 29 na estudyante at 12 mga guro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.