3 pulis hinatulang guilty sa kasong pagpatay kay Kian Delos Santos

By Erwin Aguilon November 29, 2018 - 09:01 AM

Guilty ang naging hatol ng mababang korte laban sa tatlong pulis na sangkot sa pagkamatay ng 17-anyos na si Kian Delos Santos.

Reclusion perpetua o habambuhay na pagkakabilanggo ang hatol na parusa laban sa tatlong pulis na sina PO1 Jerwin Cruz, PO1 Jeremy Pereda at PO3 Arnel Oares matapos mapatunayang guilty beyond reasonable doubt sa kasong murder.

Pinagbabayad din ang mga ito ng P345,000 na civil, moral, actual exemplary damages sa pamilya ni Kian.

Hindi naman napatunayang guilty sa paglabag sa RA 9165 at kasong planting of evidence ang tatlo.

Ibinaba ang hatol mahigit isang taon matapos ang pagkamatay ni Delos Santos noong August 16, 2017.

Ang hatol ay ibinaba ni Judge Rodolfo Azucena Jr. ng Caloocan RTC Branch 125.

Sinaksihan ang promulgation ng magulang ni Kian at kaniyang tiyuhin.

Sina Cruz at Pereda ay kasalukuyang nakakulong sa Valenzuela City Jail habang sa Camp Bagong Diwa naman si Oarez.

TAGS: kian delos santos, murder case, Radyo Inquirer, kian delos santos, murder case, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.