Pananambang sa isang negosyante sa Subic kinondena ng SBMA
Mariing kinondena ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang pagpatay sa negosyante sa harapan ng isang resort.
Ang pahayag ay ginawa ni SBMA Chairman at Administrator Wilma T. Eisma.
“The Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) condemns in the strongest possible term what is apparently a targeted assassination of a business locator in the Subic Bay Freeport Zone,” ayon kay Eisma.
Ang biktimang negosyante na si Dominic L. Sytin, na founder at CEO of the United Auctioneers, Inc. (UAI), ay major importer at auctioneer ng mga second-hand na truck at heavy equipment at nag-ooperate sa Subic Freeport at Davao City.
Ang kaniyang driver/bodyguard na si Efren Espartero ay malubhang nasugatan pero stable na ang kondisyon sa Baypointe Hospital.
Para matiyak ang kaligtasan ni Espartero ay binabantayan ito ng mga pulis at mga tauhan ng SBMA Law Enforcement Department (LED).
Siyam na basyo ng bala ng kalibre 45 baril ang natagpuan sa crime scene.
Sa ngayon umiiral ang lockdown sa Freeport Zone matapos ipag-utos ni EIsma.
Nagtalaga na din ng SBMA SWAT personnel sa palibot ng Freeport Zone at mahigpit na seguridad sa mga sasakyang naglalabas-masok dito.
Inatasan naman ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino ang Olongapo City Police Office (OCPO) na tiyaking maiingatan ang lahat ng ebidensyang maaring magamit sa krimen.
Habang umaapela si Eisma sa maaring mga testigo sa pangyayari na makipagtulungan sa mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.