WATCH: Beep card uubra na rin sa mga tindahan ng pagkain at komunidad

Ngayong taon nairehistro ang pang-1 bilyon transaksyon sa paggamit ng Beep card sa Light Rail Transport Network simula ang unang paggamit nito noong 2015.

Bukod dito, ngayon taon ay naging mas malawak pa ang Go Payment System ng AF Payments Inc., sa pampublikong transportasyon, sa modern jeepneys sa Taguig City hanggang sa e-trikes sa Intramuros.

Ginagamit na rin ito ng isang kumpanya ng bus sa Mindanao na may biyahe sa pagitan ng Cotabato at General Santos City.

Sinabi ni Peter Maher, presidente ng AF Payments Inc., na sa mas pinagbuti pa nilang serbisyo layon lang nila na suportahan ang mga pasahero at public transport operators para sa mas komportableng biyahe.

Aniya may mga pakikipag-usap na para mas mapalawig pa ang paggamit ng Beep card.

Sinabi naman ni Agnes Padilla, marketing head ng AF Payments, may mga pagbabago din sa kanilang Beep app.

Sa ngayon may limang Beep cards ang ginagamit sa pagbayad hindi lang sa pasahe, kundi maging sa toll at ilang piling tindahan.

Read more...