Pakikipagmabutihan ng Pilipinas sa China at US hindi masama ayon kay Speaker GMA
Sa kabila ng tensyon na namamagitan sa US at China inihayag ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na wala siyang nakikitang masama si pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa mga nasabing bansa.
Sinabi ng lider ng Kamara na walang conflict sa pakikipagmabutihan sa dalawang bansa na mga importante kaibigan.
Hindi aniya nangangahulugan na maling makipagkaibigan sa US kung ang Pilipinas ay may maayos na relasyon sa China.
Paliwanag nito, kapwa mahalaga ang China at ang Estados Unidos sa rehiyon at sa buong mundo.
Dahil dito, sinabi ni Speaker GMA na ang pakikipagkaibigan ng China at US sa bansa ay napakahalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.