Manila Trench posibleng maging underwater base ng China

By Len Montaño November 29, 2018 - 12:38 AM

Isa ang Manila Trench na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa mga lokasyon na tinitingnan umano ng China para sa panukala nitong underwater base sa South China Sea.

Nakasaad sa report ng pahayagang South China Morning Post ng Hong Kong na kinukunsidera ng China ang pagtatayo ng underwater sea base na tatawaging AI Atlantis sa naturang pinag-aagawang waterway.

Gagamitin umano ng China ang Manila Trench bilang base para sa unmanned submarine science and defense operations.

Sinabi pa sa report na inilunsad ang proyekto sa Chinese Academy of Sciences sa Biejing ngayong Nobyembre matapos ang pagbisita ni Chinese Pres. Xi Jinping sa isang deep sea research institute sa Sanya, Hainan province.

Sinasabing ang proyekto na magiging “first artificial intelligence colony on Earth” ay nagkakahalaga ng $160 million.

Ang Manila Trench, na mas malapit sa Scarborough Shoal o Panatag Shoal ang teritoryong nagdudulot ng tensyon sa Pilipinas at China. Ito ang lugar na sakop ng maritime case ng Pilipinas laban sa China sa international court noong 2013.

Ang Scarborough Shoal ay nasa layong 220 kilometers mula sa Zambales habang ang Manila Trench ay nasa 60 hanggang 120 kilometers mula sa west coast ng Luzon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.