Mga programa ng SSS para sa informal sectors umani ng international awards
Umani ng pagkilala sa katatapos na International Social Security Association (ISSA) Good Practice Awards for Asia and the Pacific ang Social Security System (SSS) kaugnay sa kanilang mga programa na layong maabot ang marginalized sectors sa bansa.
Sa nasabing ISSA awards na ginanap sa Oman noong November 2, pinarangalan ang mga programa ng SSS na kinabibilangan ng AlkanSSSya Campaign na nakatutok sa mga kooperatiba at mga microfinance intstitutions sa malalayong mga lalawigan.
Binibigyan ng nasabing programa ng SSS ang mga maliliit na mga samahan at negosyo ng pagkakataon na mapaunlad ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng tulong pinansiyal.
Sa nasabing international event ay kinilala rin ang Social Security Subsidy Program na nakatutok naman sa mga contractual workers o ang mga nasa tinatawag na “job orders” sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng naturang SSS program ay nabibigyan ng proteksyon sa ilalim ng umiiral na security laws kahit ang mga hindi pa mga regular na empleyado ng gobyerno.
Umani rin ng papuri ang MuniSSSipyo program ng SSS na nagsisilbi namang pangunahing financial assistance center para sa mga bayan na wala o madalang ang mga lending facilities tulad ng mga bangko.
Pinangunahan ni Senior Vice-President for Administration Group May Catherine Ciriaco ang pagtanggap mula sa ISSA ng Certificate of Merit kung saan ay tanging SSS lamang ang nag-iisang Philippine Institutions na tumanggap ng ganoong kataas na parangal.
Ang ISSA ay isang prestehiyosong samahan ng mahigit sa tatlong daang mga Social Security Institutions mula sa 160 mga bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.