3 drug suspek arestado sa Marikina City

Contributed photo

Timbog ang tatlong mga lalaki matapos magkasa ng isang buy bust operation ang mga otoridad sa Barangay Sto. Niño, Marikina City.

Nakilala ang mga suspek na sina Alfredo Serapion alyas Sula, Yuuta Matsuba alyas Matsu, at Robert Audencial alyas Totoy.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng ulat mula sa isang informant tungkol sa pagtutulak ng iligal na droga ni alyas Sula sa Barangay Sto. Niño.

Agad na bumuo ng plano ang mga otoridad sa pangunguna ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) upang berepikahin ang ulat.

Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng droga mula kay alyas Sula, na kasama ang dalawa pang mga lalaki. Nagpositibo ang operasyon, dahilan upang maaresto ang tatlo.

Narekober mula sa mga ito ang siyam na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga ng P53,000.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...