Pagtatalaga kay Bersamin bilang bagong CJ, welcome sa mga senador
Ikinalugod ng mga senador ang pagtatalaga kay Supreme Court Associate Justice Lucas Bersamin bilang bagong Piong Mahistrado.
Sa isang text message sa mga mamamayag, ibinida ni Senate President Tito Sotto ang kakayahan ni Bersamin na anya’y tinulungan siya noong pinamunuan niya ang Dangerous Drugs Board (DDB).
“Come to think of it, as early as 2008, I was already aware of his legal savvy. He helped me as DDB Chair then. Congratulations!,” ani Sotto.
Naniniwala si Sotto na lahat nang pinagpilian ng presidente para maging bagong CJ ay hindi naman matatawaran ang kakayahan.
Nagpaabot din ng pagbati si dating Senate President Aquilino Pimentel III sa bagong CJ.
Para naman kay Senator Grace Poe, may kalayaan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sundin ang seniority sa pagpili kay bagong Punong Mahistrado.
Naniniwala si Poe sa galing ni Bersamin at sa maayos na pakikitungo nito sa kanyang mga katrabaho.
Giit pa ng senadora, naging patas ang bagong CJ sa mga kasong hinawakan nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.